Monday, December 20, 2010

Kay Maningning


Lunurin mo ako
'mababaw na ang tubig
ikatig sa lupa ang bangka
'ako'y naiwanan sa taib

humalakhak ka ng humalakhak
isan'tabi ang tunay mong halimuyak
talikuran mo ang tunay na mukha
'yong paghihimagsik

babalik man ako o hindi
ibaling ang luha sa malinis mong batis
sa indayog ng 'yong halakhak
manatili sa galak

malunod na ako
mabaling na ang galak
sa naubos mong pag-irog

aahon sa tubig
'lulunurin ang sarili
sa muling pagtigil ng iyong
matatamis na halakhak

No comments:

Post a Comment